Photo courtesy of www.ptvnews.ph |
Mas mabilis ng mag-transact ngayon sa SSS kung ito ay gagawin via online. Hindi mo na kailangan pa magprint o magpaprint ng mga kung anu-anong forms at requirements para lang mag-apply ng loan or mga benefits. Maari mo na ring makita ang mga contribution mo simula nang ikaw ay naging member ng ahensya. Kailangan lamang na ikaw ay registered sa kanilang website upang iyong ma-access ang sariling account. Ngunit, paano nga ba mag-register ng inyong account online? Narito ang step-by-step process kung paano makakapagregister ng inyong account sa SSS:
1. Magpunta sa official website ng SSS - www.sss.gov.ph
- Maari mong hanapin via Google or kahit anong search engine ang website ng SSS o di kaya naman ay i-type sa address bar ang kanilang website address. (Maari mo na rin pindutin ang link sa taas para mas mabilis mong mapuntahan ang website)
- Kapag iyo ng napuntahan ang website, kailangan mo lamang i-check ang box upang malaman ng website na ikaw ay hindi isang robot
- Kapag nalagyan na ng check ang box, pindutin lamang ang Submit button upang ma-access ang website ng tuluyan.
- Minsan ay may lalabas na box para mapatunayan ng website na ikaw ay hindi robot. Sagutan lamang ang tanong na lalabas at pindutin na ang Submit.
2. Pindutin ang MEMBER button na makikita sa gitnang kanang bahagi ng website. Ito ay ang nasa taas ng EMPLOYER button.
- Kapag napindot na ang MEMBER button, automatic na ikaw ay mapupunta sa panibagong tab kung saan ikaw ay pwedeng mag-login gamit ang iyong credentials. Ngunit dahil ikaw ay magre-register pa lamang, pindutin ang "Not yet register in MY.SSS?" na link.
3. May limang information na pwedeng gamitin upang ika'y makapagregister ng tuluyan sa SSS Website. Bukod sa iyong personal details, ang mga sumusunod ay kinakailangang i-input sa iyong account. Ito ang magsisilbing ticket for successful registration.
Pumili ka lamang ng isa sa mga sumusunod na information na mayroon ka:
A. Savings Account Number / Citibank Cash Card / UBP Quick Card / UMID - ATM Saving Account Number Registered in SSS
B. Mobile Number Registered in SSS
C. UMID CARD (Ang hinihingi ng website ay ang iyong UMID CARD PIN CODE at Mother's Maiden Name reported in the E6 - UMID Card Application Form)
D. Employer ID Number / Household Employer ID Number
- Kapag ika'y nakapili na, magbubukas ng bagong tab patungo sa registration site. (Suggestion: Para sa mga employed, pinakamadali kung pipiliin ang Employer ID Number / Household Employer ID Number sapagkat ito ay hihingiin mo lamang sa iyong pinapasukan. Ngunit kung may information ka rin naman on-hand ng ibang options, piliin kung saan ka mapapadali)
4. Punan lamang ang lahat ng kinakailangang detalye. Lahat ng may asterisk (*) na pula ay dapat lagyan ng tamang information.
πTandaan: Hindi magiging successful ang registration kung kulang at mali ang information na inyong ilalagay. Pagkatapos ng inyong mailing address ay kailangan mong sagutan ang katanungan sa napili ninyong option mula sa Number 3. Siguraduhin din na tama at valid ang email address na inyong ireregister para sa account.
5. Isulat ang code na makikita sa box. Kailangan ay eksakto ang code na isusulat ninyo. Pagkatapos ay i-tick lamang ang check box para i-accept ang Terms of Service. Maari mo ring i-click ang link para mabasa ang kabuuan ng Terms of Service ng SSS. Pindutin ang SUBMIT button.
6. Magsesend ng email ang SSS gamit ang email address na ito: web.notifications@sss.gov.ph. Hindi ka maaring magreply sa email na ito.
- Kinakailangan mong pindutin ang ibinigay na link upang ma-validate ang iyong email at maituloy ang iyong registration.
- Maaari mong ma-activate ang account sa loob ng limang araw. Kapag hindi ito nagawa, ang link ay ma-eexpire at magreregister kang muli.
7. I-set ang password para sa iyong account.
- Once na na-click mo na ang link na ibinigay via email, ito ay direkta na sa paggawa ng iyong password. Tandaan ang mga pwedeng characters para sa password:
- Eight to 20 alphanumeric numbers
- The first character is an alphabet
- No special characters
- Must be different from your user ID
- Dalawang beses mong ilalagay ang password na ginawa. I-click lamang ang Submit button upang tumuloy. Kapag match ang mga passwords, ikaw ay automatic na mapupunta sa login page.
MGA PAALALA:
πKung maging unsuccessful ang inyong registration, mangyaring ulitin lamang ang proseso.
πMaari ring magsend ng email sa SSS kung may ma-encounter na mga problema: onlineserviceassistance@sss.gov.ph o di kaya naman ay sa member_relations@sss.gov.ph
Sources: